Simala Shrine: Miraculous Mama Mary Church
LAKBAY-SANAYSAY Simala Shrine: Miraculous Mama Mary Church Ang Simala Shrine ay isa sa pinaka sikat at magandang simbahan sa Cebu. Ito ay isa lamang ordinaryong simbahan noon at dahil sa milagrong naganap ito ay naging sikat. U maakit ito ng daan-daang tao umaasang kanilang panalangin ay masagot. Dahil doon napag isipan namin na pumunta doon para manalangin sa aming mga kailangan katulad ng Board Exam sa aking ate at nagpapasalamat din. Umagang kay ganda, naghanda na kami ng aking pamilya upang pumunta sa isang maganda at milagrosong lugar sa Cebu. Upang makarating sa Simala kailangan naming sumakay ng bus dahil napakamalayo ito sa City. Isang oras pa bago maka dating sa Simala, alas 6:00 ng umaga nagsimulang umalis ang bus. Habang nagbabyahe kami, kaming lahat ay natulog at kumain sa bus habang naghihintay na dadating sa destinasyon. Noong nakarating na kami sa Simala naglakad pa kami at may mataas na hagdanan na lalakarin at