Simala Shrine: Miraculous Mama Mary Church

  

LAKBAY-SANAYSAY

Simala Shrine: Miraculous Mama Mary Church 


        

         Ang Simala Shrine ay isa sa pinaka sikat at magandang simbahan sa Cebu. Ito ay isa lamang ordinaryong simbahan noon at dahil sa milagrong naganap ito ay naging sikat. Umaakit ito ng daan-daang tao umaasang kanilang panalangin ay masagot. Dahil doon napag isipan namin na pumunta doon para manalangin sa aming mga kailangan katulad ng Board Exam sa aking ate at nagpapasalamat din.

    
     Umagang kay ganda, naghanda na kami ng aking pamilya upang pumunta sa isang maganda at milagrosong lugar sa Cebu. Upang makarating sa Simala kailangan naming sumakay ng bus dahil napakamalayo ito sa City. Isang oras pa bago maka dating sa Simala, alas 6:00 ng umaga nagsimulang umalis ang bus. Habang nagbabyahe kami, kaming lahat ay natulog at kumain sa bus habang naghihintay na dadating sa  destinasyon. 


           Noong nakarating na kami sa Simala naglakad pa kami at may mataas na hagdanan na lalakarin at kaming lahat ay napagod. Upang maka punta sa loob ng simbahan dapat pa kaming makalinya at ang linya ay napakataas. Habang kami ay nag linya, nagpayong kaming lahat dahil sobrang init at kami ay naka tayo lamang habang naglilinya. Walang hintong tumulo ang aking pawis sa sobrang init, wala pa kaming dalang tubig doon at kami ay uhaw na uhaw na. Nagsakripisyo kaming nakababad sa init para lamang makita at maka dasal sa Virgin Mary.

    
      Bago ka pumasok sa loob may makikita kang "dagkutanan" ng mga kandila. Pagkapasok namin sa loob, napuno ng ilang sagradong estatwa. Hindi ka makakapasok sa loob kung hindi maayos ang iyong damit dahil may dress protocol, bawal sleeveless at above the knee na damit, at kung above the knee man ito dapat mag lagay ka ng shawl. Nag dasal na kaming lahat sa loob at pagkatapos nag sulat ng petisyon. Pagkatapos lumabas kami at nag picture kaming pamilya. 

           Masaya kaming lahat dahil nagkaroon kami ng pagkakataon na maka punta sa Simala Shrine at makita ang Miraculous Mama Mary. Umuwi na kaming lahat at sumakay ulit ng bus papunta sa city, isang oras parin ang byahe. Ito ay nakakapagod pero sulit naman ang lahat, at lalong lalo na kasama ko ang aking pamilya. 




Comments

  1. Walang kupas talaga ang ganda ng Simala. ❣️ Maraming Salamat sa pagpasa

    ReplyDelete
  2. One of the many wonders of Cebu is the Simala Shrine, a truly majestic destination for a religious tour. Nestled in the heart of Cebu, this shrine is a must-visit for those seeking spiritual solace and stunning architecture. As you step onto the grounds of Simala Shrine, you are greeted by a sense of peace and tranquility, enveloped in the beautiful surroundings of the shrine. The intricate details of the shrine's design and the serenity that permeates the atmosphere make it a truly special place to visit. Whether you're looking for a moment of contemplation or a glimpse into the religious heritage of Cebu, the Simala Shrine offers a truly unforgettable experience that will stay with you long after you've left.

    ReplyDelete

Post a Comment